Celeste Cortesi nagtungo na sa New Orleans para sa 71st Miss Universe pageant

Nagtungo na sa New Orleans, Louisiana sa United States kahapon si Celeste Cortesi para ikatawan ang Pilipinas sa 71st Miss Universe pageant sa January 14.

Napakaganda ng hitsura ng Miss Universe Philippines 2022 titleholder sa isang fiery red trench coat at pulang high-heeled boots.

Ang Filipina-Italian beauty queen ay dating nasa Los Angeles, California sa U.S. para sa last leg ng kanyang Miss Universe training bago lumipad sa Louisiana.

Ibinahagi din ni Cortesi sa kanyang personal na Instagram account ang kanyang excitement tungkol sa Miss Universe pageant.//CA