Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng BuCor

Nasa pasilidad na ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) sina Deniece Cornejo at Simeon Raz.

Ito’y matapos silang hatulan ng Taguig Court para sa kasong inihain laban sa kanila ng actor/host na si Vhong Navarro.

Inilabas ng BuCor ang kanilang mga mugshots ngayong hapon.

Ang model na si Cornejo ay nailipat na sa Correctional Institute for Women.

Si Raz naman, na isang martial arts expert, ay naka-hold pa sa Diagnostics center ng New Bilibid Prison.

Ngayon, hinihintay pa ng BuCor ang commitment order para kay Cedric Lee na sumuko kagabi sa NBI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *