DA: makababawi ang bansa mula sa pagbaba ng rice production

Naniniwala si Department of Agriculture Secretary Kiko Tiu-Laurel Jr. na makababawi ang Pilipinas sa produksyon ng bigas sa susunod nitong harvest season.

Ayon kay Laurel, talagang nagkaroon ng epekto ang pagtama ng El NiƱo sa bansa.

Kasabay aniya ng pagdating ng ulan, umaasa siyang makababawi na ang sektor ng agrikultura sa pagpo-produce ng bigas.

Magiging maayos umano ang kalagayan ng rice production lalo na kung hindi makararanas ang bansa ng sobrang ulan at malalakas na bagyo.

Bago ito – una nang tiniyak ng DA ang sapat na suplay ng bigas sa gitna ng produksyon nito sa unang quarter ng 2024.

Mababatid batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 4.68 million metric tons (MT) ang produksyon ng palay sa unang quarter ng 2024.

Higit na mas mababa ito sa 4.78 million MT sa parehong panahon noong nakaraan taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *