NAGA CITY-Deactivated na ang Health Emergency Response Task Force Forward Control Point ng Naga City sa Del Gallego Camarines Sur, subalit hindi ito nangangahulugan na wala nang sasala sa mga uuwi.
Inilipat kahapon ang control point sa Naga- Milaor Boundary. Ayon kay Mayor Nelson Legacion ito at dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nag popositibo sa antigen testing na ginagawa sa unang nasabing border point. Rason din ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Maynila at pagdami ng mga nababakunahan sa bansa.
Humarap naman sa Regular Session ng Sanguniang Panlungsod si Incident Commander Public Safety Officer Executive Director Renne Gumba, sinabing ang hakbang ay dumaan sa konsultasyon. Mas magaan din aniya ito pagdating sa security , logistics at lalo pa sa medical personnel.
Matapos nito , nagkaroon ng executive meeting upang talakayin ang iba pang ilalatag lalo pa sa ibang daanan papasok sa Naga City.