Dengue cases sa bansa, nananatiling ‘manageable’ – DoH

Tiniyak ng Health Officials na nananatili pa ring ‘manageable’ ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas.

Ito ang ginawang pahayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje matapos ang idineklarang outbreak ng dengue sa Zamboanga City.

Ayon kay Cabotaje, nakapagtala na ang bansa ng aabot sa 22,277 na mga dengue cases mula Enero hanggang nitong Abril.

Read More:  CIDG summons Sen. Bato over alleged EJK cases

126 sa bilang na ito ay binawian ng buhay.

Kung susumahin, 15% na mas mababa pa rin ito kung ikukumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.

13% ng mga naitalang dengue cases ay nagmula sa Region III; 13% din sa Region VII, habang 10% ay sa Metro Manila.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Sa huli, muling nagpaalala si Cabotaje sa publiko na sundin ang mga preventive measures para maiwasan ang dengue cases sa bansa.

Kabilang na rito ang pagpapanatiling malinis sa kapaligiran, at tanggalin ang mga posibleng lugar na pamugaran ng mga lamok.
#