Nilinaw ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang isyu sa mga primado niyang papeles na nadiskubre sa ni-raid na POGO sa Porac, Pampanga.
Ayon kay Roque, nauna nang sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na walang kahina-hinala sa dokumento.
Samantala, dumepensa rin si Roque sa nadiskubreng affidavit of support kung saan nakasaad ang katibayang susuportahan niya ang travel expenses ng kaniyang executive assistant noon na si AR de la Serna.
Giit niya na tinulungan siya ni de la Serna sa kaniyang social media presence noong presidential spokesperson pa siya at noong tumakbo siya sa nakaraang eleksyon.