Delta Variant walang katiyakan na hindi makakapasok sa Puerto Princesa City- IMT

Walang katiyakan na hindi makakapasok sa Puerto Princesa City ang Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Incident Management Team Commander Dr. Dean Palanca, simula kahapon July 16 ay maaari nang bumiyahe ang mga APOR at returning residents papasok sa lungsod ngunit kinakailangan sundin ang mga ipinatutupad na travel at health protocols.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

“ Wala tayo kasiguraduhan na hindi tayo mapapasukan ng kinatatakutan nating Delta variant na umiikot at dominant na sa iba’t ibang country.” pahayag ni Dr. Palanca

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Higit na nakakahawa ang Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19) kung ikukumpara sa iba pang natuklasang variant.

Lumabas sa ilang pag-aaral na 60 porsiyentong mas nakakahawa ang Delta variant na unang natuklasan sa India kumpara sa Alpha variant na unang napaulat sa United Kingdom.