Hindi akalain ng isang babae sa Georgia na pinamahayan na pala ng mag-iinang ahas ang silong ng kanyang kama.
Kwento ni Trish Wilcher, bago siya mahiga ay mayroon na siyang napansin na tila kakaiba sa ilalim ng kanyang kama. At nang aabutin niya na ito ay nagulat na lamang siya nang bigla itong gumalaw.
Nang tingnan nila ito ng kanyang asawa ay saka nila napag-alamang isa palang maliit na ahas ang gumalaw.
Sa pagbusisi ay nadiskubre nila na hindi lamang pala nag-iisa ang ahas dahil kasama nitong nakatira sa ilalim ng kama ang ina nito at 16 pang mga kapatid.
Sa kabuua, nasa 18 ahas ang nakuha sa ilalim ng kama ni Wilcher. Isa-isa nila itong isinilid sa bag gamit ang grabber tool at pinakawalan sa kalapit na sapa.
Upang matiyak na wala nang natirang ahas sa bahay ng mga Wilcher ay binisita ito ng isang wildlife trapper at ayon sa kanya isang nonvenomous garter snake ang mga nakuhang ahas. ||Shiela Madrigalejos
