Deliberasyon sa 2022 budget ng COMELEC, ipinagpaliban ng Senate finance sub-committee

Pansamantalang ipinagpaliban ng Senate finance subcommittee ang pagtalakay sa 2022 budget ng Commission on Elections.

Sa unang bahagi ng hearing sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas na hindi nila mapagbibigyan ang panawagan ng mga senador na palawigin pa ang voter’s registration.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Paliwanag ni Abas ito ay dahil sa maraming mga aktibidad na may kinalaman sa paghahanda sa 2022 elections ang maaring maapektuhan.

Ayon kay Abas na kung mayroon lang silang sapat na oras ay hindi na sila maghihintay para ipanawagan ng mga senador ang extension ng voter registration.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Dahil dito iminungkahi ni Sen. Kiko Pangilinan na i-differ na muna ang pagtalakay sa budget ng COMELEC at bigyan ito ng oras para pag-usapan sa kanilang en banc session ang isyu sa pagpapalawig ng voter’s registration.