Pabor si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na masuspinde ang excise taxes sa mga produktong petrolyo upang mapagaan ang sitwasyon ng mga konsyumers sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike.
Gayunman, mangyayari lamang ito kung magpapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng special session sa Kongreso.
Ipinunto ni dela Rosa na pwedeng maamyendahan ang TRAIN law para maalis ang excise tax sa langis.
Samantala, naniniwala ang senador na hindi na posible para sa 18th Congress na talakayin ang iba pang mitigating measures tulad ng pag-review sa Oil Deregulation Law.
Matatandaan na nanawagan ang Malacañang sa Kongreso na reviewhin ang Oil Deregulation Law sa gitna ng pagsipa ng linggo-linggong pagsipa ng presyo ng langis at sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
