Dela Rosa – nanawagang kumpirmahin kung nasa Pilipinas na ba talaga ang ICC

Nilinaw ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Senador Ronald Bato Dela Rosa na handa naman siyang makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kung ito ang magiging utos ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kaugnay nito, nanawagan siya sa Malacañang na sabihin sa kanya ng harap-harapan ang ‘real score’ kung talaga bang nakapasok na ang ICC sa bansa.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Ito ay matapos banggitin ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nangolekta na noong Disyembre ng ebidensya ang ICC at malapit na itong bumalik upang mag-isyu ng warrant of arrest laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Marcos appoints former DILG chief Benhur Abalos as Cabinet Secretary

Samantala, nanindigan naman si Dela Rosa na hindi siya magtatago kung sakali mang totoo ito at patuloy lang siyang magiging kaalyansa ng gobyerno.