Dating Makati Mayor Elenita Binay, cleared na sa kasong graft and malversation

Lusot na si dating Makati City mayor Elenita Binay sa kasong graft and malversation charges kaugnay ang pagbili ng P9.9-million na halaga ng medical equipments.

Napawalang-sala si Binay ng Fourth Division ng Sandiganbayan dahil bigo ang prosekusyon na mapatunayang guilty ang dating alkalde.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

Samantala, sa graft charge, na-convict ang dalawang kapwa akusado ni Binay na sina Conrado Pamintuan at Jaime delos Reyes.

Read More:  DPWH warns public over fake documents using Secretary Vince Dizon’s signature

Nasintensyahan sina Pamintuan at Reyes ng anim hanggang walang taong pagkakakulong, at hinatulan din ang mga ito ng diskwalipikasyon sa paghawak ng public office.

Ayon sa dalawang convicts, magsusulong sila ng apela para sa kanilang kaso.