“Face the music.”
Ito ang payo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag, na tinutukoy na isa sa mga masterminds sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Ayon kay Dela Rosa, na kung takot si Bantag na makulong kasama ng iba pang mga inmates na may galit sa kanya, ay maari naman umano siyang makulong sa hiwalay na pasilidad gaya sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Giit ng senador, mas ligtas ang BuCor chief sa PNP Custodial Center.
Si Dela Rosa ay chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na mag-iimbestiga sa Lapid slay case ngayong linggo, pero ipinagpaliban dahil sa hiling ng mga police officials, dahil abala pa umano ang mga ito sa paghahain ng kaso. //MHEL PACIA