Bantag, nasaktan sa komentaryo ni Lapid kaugnay sa bahay at sasakyan nito

Nasaktan umano si suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sa komentaryo ni Percy Lapid, kaugnay sa kanyang bahay at sasakyan, kaya ipinag-utos ang pagpapapatay dito sa naturang broadcaster.

Ito ang ibinahagi kay Joel Escorial ni Cristito Villamor Palaña, ang New Bilibid Prisons inmate na umano’y nagsilbing middleman para sa planong pagpatay kay Lapid.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Pagbubunyag ni Escorial, na ibinilin sa kanya ni Villamor, na saka lang ilabas ang naturang impormasyon sa kaling mamatay siya.

Ayon sa self-confessed gunman, na sa kanilang pag-uusap ni Jun ay tila namamaalam na ito, dahil tiyak umanong papatayin siya sa oras na malaman na sa loob nanggaling ang trabaho.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Sa ngayon, wala pang pahayag at hindi rin mahagilap si Bantay, matapos na pormal nang kasuhan ng mga otoridad ng murder dahil sa naturang krimen. //MHEL PACIA