Dekalibreng armas ng NPA, narekober sa bayan ng Echague matapos isuplong ng former rebel

Nadiskubre ng mga kasapi ng 86th Infantry Battalion sa ilalim ng pamumuno ng 502th Infantry Brigade at mga kasapi ng IPPO ang mga dekalibreng armas ng mga armadong NPA sa sitio Calabaguin, Brgy. San Miguel, Echague, Isabela.

Ayon sa militar, ito ay matapos ituro ni alyas Popoy na dating rebelde ang pinagtataguan ng mga armas pagkatapos ng pagkakapaslang sa kanilang dating lider na si alyas Yuni.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nakuha sa lugar ang isang M16 rifle, mataas na kalibre ng baril at dalawang ICOM radio.Nanawagan din si alyas Popoy sa mga sumukong dating rebelde na isiwalat sa mga otoridad ang mga nalalamang impormasyon kaugnay sa mga itinatagong armas ng armadong grupo.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito rin ay upang hindi na umano magamit pa sa pakikipaglaban at masugpo ang terorismo sa lalawigan.Samantala, pinuri naman ni BGen Danilo Benavides PA, Commander ng 502nd Infantry Brigade ang tropa ng 86IB sa patuloy na pagsisikap na mawakasan na ang kasamaang dulot ng insurhensiya.