3 vehicular accident, naitala sa bayan ng Naguilian ntiong weekend

Tatlong vehicular accident ang naitala sa bayan ng Naguilian nito lamang nagdaang Linggo, July 25, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Federico Tulay, ang Deputy Chief of Police sa ng PNP Naguilian, ang unang aksidente ay naitala pasado alas-12 ng tanghali sa national highway sa Brgy. Palattao na kinasangkutan ng isang SUV at single motorcycle.

Pareho umanong binabagtas ng dalawang behikulo ang national highway subalit sa magkasalungat na direksyon kung saan nag-Uturn umano ang SUV na dahilan upang mabangga ang motorsiklo na lulan ang dalawang biktima.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Mapalad namang minor injuries lamang ang tinamo ng mga biktima na dinala sa pagamutan at nagka-usap na umano ang dalawang panig na mag-areglo na lamang.

Habang naitala naman ang isa pang aksidente pasado alas-3 ng hapon kahapon sa Brgy. San Manuel na kinasangkutan naman ng tricycle at kotse.

Nabangga ng kotse ang tricycle na noo’y papasok umano sana sa isang kanto kung saan bilang resulta ay nasugatan ang tsuper ng tricycle at nilapatan ng lunas sa pagamutan.

Hindi na rin umano magsasampa ng kaso ang biktima at magkakaayos na lamang ang mga ito.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Samantala, sugatan din ang isang lalaki matapos magself-accident sa Brgy Flores, Naguilian, Isabela at sinasabing nakainom ang naturang biktima na agad namang nilapatan ng lunas ng mga rescue team.

Ayon pa kay PLt. Tulay, mayroon naman umanong professional drivers’ license ang mga kasangkot na tsuper at human error ang nangyari.

Kaugnay nito ay nanawagan si PLt. Tulay sa mga tsuper na bagaman hindi maiiwasan ang aksidente ay mainam na mag-iingat palagi sa pagmamaneho at huwag na lamang magmaneho kung nakainom.

Photo: PNP Naguilian