Nakipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana at ang iba pang mga ministers mula sa South Korea.
Idinaos ang isang official visit para makapulong ni Lorenzana ang bagong talagang Defense Minister ng South Korea na si Lee Jong-sup.
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, ilan sa mga natalakay ng dalawang minister ay ang kasalukuyang sitwasyon ng mga pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Napagkasunduan ng dalawang opisyal na irespeto ang international law at ang freedom of navigation.
Suportado rin ni Lorenzana ang panawagan para sa denuclearization ng North Korea.
Nilagdaan din ang isang memorandum of agreement kung saan ay layong patatagin ang ‘veteran cooperation’ ng dalawang estado.
Matatandaang ang mga sundalong Pilipino ay isa sa mga nakatulong ng UN forces sa Korean War noong 1950.
Matapos ang idineploy noon na nasa 7,000 mga tropa mula sa Pilipinas, malaki anila ang respeto ng SK sa mga Filipino veterans.
#