Decongestion, isasagawa sa evacuation centers sa Albay matapos magkasakit ang ilang evacuees

LEGAZPI CITY – Magsasagawa ng decongestion ang Albay Provincial Health Office (PHO) sa ilang mga evacuation centers sa Albay kaugnay ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PHO head Dra. Estela Zenit, layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang problemang kinakaharap ng mga evacuees tulad ng kawalan ng proper ventilation na nagdudulot ng sakit sa mga evacuees.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Aniya, ito ay alinsunod sa utos ni Governor Atty. Edcel “Grex” Legman upang maisaayos ang sitwasyon ng evacuees at hindi sila madapuan o magkahawaan sa loob ng evacuation centers.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang Albay PHO sa mga LGUs upang mabigyan ng breathing space ang mga inilikas.