DBM, nagpaliwanag sa pagrepaso ng Results-Based Performance Management at Performance-Based Incentive system

Nilinaw ng Department of Budget and Management na magpapatuloy ang pagpapalabas ng 2022 at 2023 Performance-based Incentives para sa mga kuwalipikadong empleyado ng gobyerno.

Ayon sa DBM, layon lamang ng inilibas na Executive Order 61 ni Pangulong Bongbong Marcos na i-review ang Results-Based Performance Management at Performance-Based Incentive system ng gobyerno para maitugma, i-streamline at gawing mas efficient at napapanahon ang proseso ng pagpapalabas ng personnel incentives.

Dagdag pa ng kagawaran, ang alokasyon sa budget para sa 2024 PEI ay nailabas na sa mga ahensiya at magpapatuloy pa rin.

Samantala, ang Fiscal Year 2025 PEI ay isasama sa National Expenditure Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *