Inilibing na ang karamihan sa 115 na tao na namatay sa massive fuel tanker explosion noong Biyernes sa Sierra Leone matapos ang mass ceremony.
Marami sa mga nasawi ang hindi na makilala dahil sa pagkakasunog sanhi ng fuel leaked na nagresulta sa sunog sa isang mataong junction.
Samantala, nananawagan ang mga otoridad para sa blood donation sa mga sugatan na aabot sa 100 na tao na ginagamot sa mga ospital.
Nangangamba ang mga health officials na mauubos na ang blood supplies sa loob ng 3 araw.
Idineklara din ni President Julius Maada Bio ang tatlong araw na national day of mourning.
Pinatututukan na din ni Bio ang insidente sa binuong task force kung saan hiningian ng rekomendasyon ang mga ito para maiwasan nang maulit ang nasabing trahedya