David Chua at Jackie Gonzaga, nagkakamabutihan na?

Nagpahayag ang aktor na si David Chua na gusto niya lang tulungang maka-move on ang “It’s Showtime” host na si Jackie Gonzaga o mas kilala bilang “Ate Girl.”

Ito ang nilinaw ni Chua matapos kumalat ang mga alegasyong may namamagitan sa kanilang dalawa.

Marami rin aniya silang similarities, tulad ng fitness at dancing, kaya’t talaga nagkakasundo silang dalawa.

Bilib aniya si David kay Jackie dahil naniniwala siya na kung kayang makipagsagutan ng isang tao sa isang Vice Ganda ay talagang matalino at witty ka. Nangako si Chua na palagi siyang aagapay kay Gonzaga, lalo na’t galing ito breakup sa kanyang eight-year-relationship.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *