Patuloy na nangunguna ang Davao City sa listahan ng mga local government units (LGUs) na may maraming kaso ng COVID-19 na naitalala araw-araw.
Sa kabila nito, batay sa latest monitoring report na inilabas ng OCTA, nakaranas ang Davao City ng bahagyang pagbaba sa kanilang daily average sa 225 COVID-19 cases noong July 11 hanggang July 17, kumpara sa 235 noong naunang linggo.
Samantala,ang rapid increase naman sa mga bagong kaso ay naitala sa Mariveles na kasalukuyang may incidence rate na 47.08 percent, sinundan ng Lapu Lapu sa 11.16 percent at Laoag sa 40.03 percent.
Ang average daily cases sa Mariveles ay tumaas sa 66 mula sa 21, habang sa Lapu Lapu ay tumaas sa 50 mula sa 31 at sa Laoag naman ay nasa 46 mula sa 25.
Kaugnay nito, naitala ng OCTA Research ang Quezon City, Cebu, Iloilo City, Bacolod, Manila, at Mariveles bilang mga LGUs na may pinakamataas na bilang ng daily reported cases, matapos ang Davao City. // MHEL PACIA-TRINIDAD
