Dating VP Robredo at dating Sen. De Lima nagkita sa Naga City

NAGA CITY- Nagyakapan sina dating Vice President Leni Robredo at dating Senador Leila De Lima sa pagkikita ng mga ito sa Naga City.

Sa isang kilalang restaurant sa Naga, inalala ni Robredo ang huling pagkikita nila ng kapwa Bicolana noong nasa detention cell sa Camp Crame noong 2022 ang dating Senadora. Ayon kay Atty. Robredo, walang pinag usapan ukol sa politika, puro personal tulad ng mga ginawa sa bahay , pag rerenew ng IDs at iba pa.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sinamantala rin ng ilang mga nasa restaurant na makapag selfie, una nang sinabi ni Atty. De Lima na nais niya sanang gawing private ang mga oras o maglaan ng panahon para sa pamilya at kaibigan pero hindi niya naman matanggihan ang mga masaya ring makita siya mapatapos payagan ng korte na makapagpiyansa.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe