Pinaniniwalaang scam hub, sinalakay ng NBI

Sinalakay ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation ang isang apartment building sa Bgy. Tejeros, Makati City, na pinaniniwalaang scam hub.

Pasado alas-11 kagabi nang ikasa ang operasyon kung saan 17 dayuhan na mga empleyado ang naaresto.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ang 15 dito ay Chinese habang ang isa ay Taiwanese at ang isa ay Malaysian.

Ayon sa NBI, ang modus ay investment scam at cryptocurrency scam.

Narekober sa operasyon ang mga computer, cellphone, sim card, at mga script na ginagamit umano ng mga naaresto sa kanilang modus.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Napag-alaman rin na stay-in sa naturang apartment ang mga naarestong dayuhan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng ahensya kung saang lugar nagmumula ang mga kliyente ng mga naaresto.