Dating senador, ipinuntong may ‘threat’ sa agawan sa WPS, Mobilisasyon dapat paigtingin

Binigyang-diin ni dating senador Gringo Honasan na mahalagang magkaroon ng plano ang bansa sa pagdepensa nito sa sarili niyang kasarinlan.

Ayon kay Honasan, marahil ang rason sa likod ng partisan politics o pagprayoridad ng mga political parties sa kanilang sariling interes ay hindi nila nakikitang may totoong threat sa usaping agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Kaugnay nito, marapat umanong maintindihan ng mga ito na wala ng panahon ang bansa na mag-away away sa isa’t isa.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Dagdag pa niya, kailangan ding mapaigting ang mobilization sa bansa mula sa mga bata, matanda, senior citizen, babae at lalaki.

Maalala, sa huling naging pangha-harass ng China ay may apat na tauhan ng Philippine Navy ang nasugatan.