Tiniyak ni Mayor Francis Zamora na gagawin nila ang lahat para hindi na maulit ang mga kaguluhan na nangyari kasabay ng Wattah Wattah Festival noong June 24.
Ito ay kasunod ng mga serye ng kaguluhan at umano’y kawalan ng kontrol sa ilang mga residente ng San Juan habang isinasagawa ang tradisyonal na “basaan.”
Ayon kay Zamora, pag-aaralan nila ang paggawa ng “basaan zone” upang maiwasan nang mangyari ulit ang ganitong insidente.
Posible raw itong ipatupad sa Pinaglabanan area.
Ito umano ay upang magkaroon ng partikular na lugar kung saan maaaring isagawa ang water-dousing activity.
Ani Zamora, humihingi sila ng paumanhin sa publiko para sa kaguluhang nangyari sa selebrasyon ng Wattah Wattah Festival.