Dating pulis, arestado sa drug buy bust operation sa Camarines Sur

Naga City- Timbog ang isang dating miyembro ng Philippine National Police sa Drug Buy Bust Operation sa Bato Camarines Sur, kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Richelle Magalona – Mata, 41-anyos, residente ng Brgy. Sta. Cruz, naturang bayan.

Kinimpirma sa Brigada News FM Naga ni PCpt. Reymund Quinito ang suspek ay isang dismissed PNP personnel. Nasa ulat ng pulisya na nakalista sa mga target ng PNP-IMEG dahil sa pagkakasanggkot nito sa ipinagbabawal na gamot.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Quinito, sa cleansing ng PNP nagpositibo ito sa paggamit noon, kaya tuluyang naalis sa serbisyo taong 2020.

Nang magka-abutan na, mabilis na linapitan ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit ang suspek, kasama ang mga personahes ng IMEG at PNP Bato.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakuha sa pangangalaga ng target ang isang digital na timbangan, ang ginamit na buy bust money na nagkakahalaga ng P15K, isang medium size heated sealed transparent plastic sachet, at ilang pakete pa laman ang nasabi ng droga.

Paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin na kaso ng dating pulis.

Giit naman ni Mata , hindi kaniya ang item.