Dating deputy administrator ng NEA, bagong acting general manager na ng CASURECO 2

NAGA CITY – Umupo na bilang bagong Acting General Manager ng Camarines Sur Electric Cooperative 2 ang dating Deputy Administrator ng National Electrification Administration o NEA matapos na mabakante ang posisyon dahil sa maagang pag-retiro ni CASURECO 2 General Manager Emelita Candia.

Sa panayam ng BNFM Naga kay Rinner Bucay, Information Officer ng naturang kooperatiba, sinabi nito na 6 na araw pa lamang sa pwesto si Acting General Manager Engr. Edgardo Piamonte at halos hindi pa nito nakaka-usap ang ilang opisyal ng kooperatiba dahil sa mga lakad nito sa NEA Central Office.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon
Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Malaki umano ang maitutulong ni Piamonte sa hinahabol na refund ng kooperatiba sa SMC.

Ayon pa kay Bucay, 6 na buwan lamang mamamalagi ang opisyal sa posisyon habang naghahanap ng kwalipikadong aplikante para sa posisyong General Manager ang Camarines Sur Electric Cooperative 2.