Daraga PNP, pahihintulutan ang mga residenteng bumalik sa kanilang lugar upang anihin ang mga pananim basta’t may border pass ID

LEGAZPI CITY – Pahihintulutan na ng Philippine National Police (PNP) Daraga na bumalik ang mga magsasaka sa kanilang barangay upang anihin ang kanilang mga pananim basta’t mayroon silang maipapakitang border pass ID sa checkpoint.

Ayon kay PLt Ma. Isabel Nopia, tagapagsalita ng Daraga MPS, ang border pass na ibibigay sa mga magsasaka ay inisyatibo ng kanilang himpilan, katuwang ang MDRRMOs at LGUs na pirmado ng COP at barangay captains.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, ito ay available na sa mga evacuation centers.

Binigyang-diin nito na bibigyan lamang sila ng dalawang oras para makapag-ani ng mga pananim at umaga lamang sila papayagan para hindi na abutin pa ng hapon ang mga ito.

Nilinaw din nito na tanging magsasaka lamang ang pahihintulutan na bumalik sa kanilang barangay at hindi rin sila maaaring manatili doon nang matagal.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kung sakali mang pumutok ang bulkan ay otomatikong ikakansela ang pagpapapasok ng mga magsasaka sa kanilang mga barangay.

Sinabi ng opisyal na mahigpit pa rin ang pagbabantay sa mga barangay upang walang makakalusot at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.