Bilang ng mga alagang hayop na inilikas dahil sa Bulkang Mayon, nanatili sa mahigit 1,000

LEGAZPI CITY – Nananatili sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga alagang hayop na inilikas sa ligtas na lugar mula sa banta ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling datos ng ASPEMO at ng Provincial Veterinary Office, ito ay nasa 1,100 pa rin na mga hayop.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa datos, 8 mga hayop ang inilikas sa Malilipot; 16 sa Bacacay; 114 sa Sto. Domingo; 189 sa Daraga; 313 sa Camalig; habang 460 naman sa Guinobatan.

Samantala, nasa 458 naman ang bilang ng mga magsasaka na apektado ng sitwasyon ng bulkan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa kaparehong datos, 5 rito ay mula sa Malilipot; 8 sa Bacacay; 47 sa Sto. Domingo; 81 sa Daraga; 142 sa Camalig; habang 175 naman sa Guinobatan.

Tiniyak naman ng Provincial Veterinary na namo-monitor ang mga hayop na inilikas at regular silang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga ito.