Mas lulubo pa ang naitatalang danyos ng shear line sa agrikultura at imprastraktura , ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay OCD, Spokesperson Dir. Edgar Posadas, sinabi nito na patuloy ang pagresponde ng mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga naapektuhan ng sama ng panahaon sa Davao at Caraga Region.
Sa inilabas na situational report ng NDRRMC ngayong araw, lumalabas din na mahigit na halos 770K indibibwal na ang naapektuhan ng matinding pag-ulan at baha sa nasabing dalawang rehisyon.
Bunsod nito, umakyat na sa 10 ang nasa ilalim ng state of calamity habang 26 na iba pang city and municipality ang posibleng magdeklara sa mga susunod na araw.