Danyos ng bagyong Jolina, higit P1.12B na; Death toll, 19 na, 5 missing -NDRRMC

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disater Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 19 ang kabuuang bilang ng nasawi kung saan tatlo sa mga ito ang kumpirmado habang 16 naman ang patuloy na nakasailalim sa validation.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 24 na nasugatan at nananatili naman sa 5 ang nawawala.

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na umabot na sa mahigit P1.12 billion ang naitala na pinsala sa sekto ng agrikultura at imprastraktura.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Mahigit P1 billion ang naitalang pinsala sa agrikultura sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western at Eastern Visayas.

Nasa mahigit P63 million naman ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Western Visayas.