Danggit gawa sa mechanical fish dryer ibinida sa bayan ng Gubat, Sorsogon

SORSOGON CITY – Maaari nang makabili ng murang boneless danggit sa bayan ng Gubat sa halagang P125.00 bawat pack.

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM-Sorsogon, ang mga produktong danggit ay gawa ng mga mangingisda na miyembro ng Cota Nortre Sur Gubat Fisherfolk Association o CNSFA.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Gamit dito ang ipinagkaloob sa asosasyon na Mechanical Dryer of Danggit ng Department of Science and Technology (DOST).

Bahagi ito ng Fish Species Project ng nasabing ahensya sa ilalim ng Community Empowerment Through Science and Technology Program katuwang ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Lahat ng mga interesadong bumili ng nasabing produkto ay maaaring magtungo sa Community Fish Landing sa Sitio Guman, Cota na Daco Municipal Compound.