Maaari nang magsumite ng aplikasyon para sa calamity loan ang mga myembro ng Social Security System na naapektuhan ng lindol kamakailan sa Taiwan.

Ito ay inanunsyo ng SSS sa ilalim ng Calamity Loan Assistance Program matapos maapektuhan ng lindol noong Abril.

Ang mga nais na mag-avail ng programa ay maaari nang magsumite sa MY.SSS mula May 21 hanggang August 20, 2024.

Paalala lang ng SSS sa mga apektadong myembro, tiyaking kumpleto ang mga requirements para mabilis ang proseso.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *