Dalawang nawawalang mangingisda mula sa bayan ng Mercedes bigong matagpuan sa ginawang aerial search kahapon

CAMARINES NORTE- Bigo ang mga awtoridad na matagpuan ang dalawang nawawalang mangingisda mula sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa ginawang aerial search sa eastern seaboards ng Bicol Region kahapon.

Sa impormasyon mula sa kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Public Information Officer ng Camarines Norte Coast Guard Station, apat na oras umano nagsagawa ng aerial search ang cessna plane mula sa kanilang national headquarters para hanapin hindi lang ang dalawa mula sa Camarines Norte kundi ang iba pang mga nawawalang mangingisda sa rehiyon.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Inikutan ng coast guard search and rescue team ang lugar kung saan sinasabing pumalaot sina Arnel Era at kasama nitong si Alex Bersabal,  55 miles mula sa Calaguas island.

Ayon kay Rosales itutuloy ang paghahanap sa dalawang nawawalang mangingisda kapag kumalma na ang dagat.

Matatandaan na Disyembre 21 ng umalis ang dalawa para pumalaot.

Noong Lunes natagpuan ng mga mangingisda mula sa bayan din ng Mercedes ang bangka ng mga ito na nakalubog ang kalahati sa karagatang sakop ng Canimog island pero walang tao.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Butas- butas na ang mga bahagi nito dahil sa lakas ng hampas ng mga alon.

Sa social media ay nananawagan ang mga  kaanak ng mga nawawalang mangingisda sa sinuman na maaaring makapagbigay ng impormasyon sa dalawa.

Patuloy naman ang paalala ng Coast Guard sa mga mangingisda na huwag nang magpumilit na pumalaot kapag masama ang panahon upang maiwasan ang disgrasya.