3 kalalakihan, arestado; 1 may dalang baril sa Puerto Princesa

Arestado ng mga tauhan ng Police Station 2 ang tatlong kalalakihan sa harap ng isang Hardware sa Golden Valley, Brgy Sicsican, Puerto Princesa City bandang ala-una ng hapon nitong Martes, ika- 27 ng Disyembre 2022.

Kinilala ang mga hinuli na sina John Paul Tabolod Padul, 23 anyos, Ronald Bandahala Cursod, 26 anyos at si David Jones Agustin Arguelles, 25 anyos.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sa ulat ng PNP, bago ang pag-aresto, nakatanggap ng ‘tip’ ang pulisya na may tatlong suspek na tila may inaabangan habang may dalang motorsiklo sa Barangay Sta. Lucia sa Puerto Princesa.

Nagkasa ng Hot pursuit operation ang PNP hanggang sila’y nasundan sa harap ng Wilcon habang patungo sa City Proper kahapon.

Nakuha sa isang suspek na si Padul ang isang itim na pouch kung saan nakasilid ang caliber na may laman na 12 mga bala.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nang hanapan ng permit to carry ang suspek ay wala itong naipakita sa pulisya.

Samantala, iniimbestigahan pa ang mga suspek ng Police Station 2 na nahaharap na sa paglabag sa Republic Act 10591  “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.