Dalawang magsasaka sa Indonesia, sugatan matapos ang pag-atake ng tigre

Dalawang magsasaka ang sugatan matapos ang pag-atake ng isang tigre sa isang maliit na bayan sa Indonesia.

Ito na ang pangalawang pag-atake na naitala ng mga awtoridad sa loob ng ilang araw at ipinangakong huhulihin ang tigre na responsable rito.

Nagtamo ng malubhang pinsala  sa kanilang ulo, kamay at paa ang mga biktima.

Ang mga Sumatran tigers ay tinatarget umano ng mga poachers at itinuturing na ngayong critically endangered ng International Union for Conservation of Nature dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga ito.//CA