Dalawang lalaki na kabilang sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Basud arestado

CAMARINES NORTE- Arestado kahapon ng umaga sa Purok 3, Brgy. Mampili, Basud, Camarines Norte   ang dalawang lalaki na kabilang sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ayon sa report ng Basud Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Melvin Atacador, ang mga naarestong personahe ay kinilala sa alyas na “Dugong”, 20 anyos, binata, walang trabaho at si alyas “Lando”, 18 anyos,  binata, construction worker kapwa residente sa nabanggit na lugar at ika siyam at sampu sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa naturang bayan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ginawa ang pag aresto  sa mga nabanggit na personahe sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rene Morallo De La Cruz ng RTC Branch 5, na may petsang April 4, 2022 dahil sa kasong Frustrated Homicide.

Ang dalawang naaresto ay ang mga akusado sa pambubugbog at pananaksak sa isang 26 anyos na lalaki na naganap ala-una ng madaling araw noong Enero 9, 2022.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nagrekomenda ng halagang Php 72,000.00 na piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas “Dugong” habang wala namang inirekomenda para kay alyas “Lando”.

Ang mga akusado ay nasa kustodiya na ng Basud MPS para sa kaululang disposisyon.