Dalawang katao na sangkot sa iligal na pagtrotroso, arestado

Dalawang katao na sangkot sa iligal na pagtotroso, arestado Arestado ang dalawang kalalakihan matapos hindi makapagprisinta ng kaukulang dokumento sa pagpuputol ng kahoy sa Barangay Pinopoc, Alcala, Cagayan.

Kinilala ang mga naaresto na sin alyas Erwin, 29-anyos at Calixto na pawang residente sa naturang lugar. Naaktuhan ang dalawa na nagpuputol ng kahoy gamit ang hindi rehistradong chainsaw kung saan nasa 352 board feet ang nasamsam sa mga ito na nagkakahalaga ng P10, 560.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines at RA 9175 o Chainsaw Act of 2002

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *