Bamboo-made products, tampok sa isang exhibit Tampok ngayon sa Bamboo Crafts and Bamboo Species Exhibit sa Lalawigan ng Quirino ang iba’t ibang mga produktong gawa sa Kawayan.
Layon nitong isulong ang kampanya upang mahikayat ang publiko na magsimula nang magtanim at magpalago ng kawayan. Ilan sa mga produktong tampok sa naturang exhibit ay ang hand-crafted hanging lamp, table lamp, decorative bilao, at bamboo hats hanggang sa mga produktong pamalit sa kahoy- tulad ng bamboo floorboard, vinyl, columns, panels, at bamboo charcoal briquette.
Samantala, ipinakita rin sa exhibit ang mga tela na gawa sa kawayan na ginagamit sa paggawa ng mga bag, sapatos, damit, at iba pang fashion accessories.
Kaugnay nito, ang naturang exhibit ay bahagi rin ng World Environment Celebration na nagpapakita ng magandang epekto ng kawayan sa pag-kontrol ng Climate Change
Enter
You sent
