Apat na katao sa cagayan, arestado dahil sa iligal na pagsusugal

𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟 Arestado ang apat na indibidwal matapos maaktuhang sangkot sa iligal na pagsusugal partikular ang paglalaro ng pepito kahapon, ika-23 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Sanchez Mira, Cagayan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa Sanchez Mira Police Station, isang concerned citizen ang lumapit sakanila upang sabihin na may illegal na pasugalan sa kanilang barangay.

Agad naman itong nirespondehan ng pulisya at kung saan nang makarating sa sinasabing lugar ay nakumpirma ang iligal na pasugalan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nakumpiska mula sa mga naaresto ang isang set ng blue playing card at bet money na nagkakahalaga ng P1, 700.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP Sanchez Mira ang mga naaresto para sa karagdagang dokumentasyon.