Dalawa patay sa magkahiwalay na  aksidente sa kalsada

Dalawa ang naitalang patay sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa bayan ng Irosin, patay ang driver na kinilalang si Teddy Garrote, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Macawayan ng nasabing bayan matapos na mabangga ang minamaheho nitong motor ng isang van na minamaneho naman ni Eugine Golosino Libunao, 42 na taong gulang at residente ng Montalban Heights, Rodriguez, Rizal nitong sabado.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, biglang nag u-turn ang motor na minamaneho ni Garrote nang mabangga ito ng van na papuntang Sorsogon City.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Garrote na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Ligtas naman si Libunao at pasahero nito na kasalukuyang nasa kustodiya ng Irosin MPS para sa tamang disposisyon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa bayan ng Matnog, patay rin ang driver ng motor matapos na sumalpok ito sa banderilya sa Brgy. Manjumlad sa nasabing bayan nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Kim Garalde Fermanes, nasa tamang edad at residente ng Camatchile, Matnog.

Nadala pa sana ng mga responders sa Matnog Medicare Hospital si Fermanes ngunit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.