Dalaga sa Vietnam, nagpa retoke matapos iwan ng kanyang boyfriend

Dak Lak, Vietnam- Naranasan mo na bang masawi sa pag-ibig? Minsan ka na rin bang iniwan? at ang pinakamahalagang tanong, ano ang ginawa mo upang makalimot at maka move on?  Naku! Mukhang marami sainyo ang makaka relate sa kwento ng isang dalagang Vietnamese na matapos iwan ng kasintahan dahil umano sakanyang itsura ay nag desisyon na magpa ganda sa pamamagitan ng pagpapa retoke.

Pinatunayan ng 19-anyos na dalagang si Nguyen Tuong Vy mula sa Dak Lak Province sa bansang Vietnam na “The best revenge after break up, is to glow up.”

Kwento ni Tuong Vy, naghiwalay sila ng kanyang boyfriend matapos niyang malaman na kaya pala hindi siya nito hindi magawang maipakilala sakanyang mga kaibigan ay dahil ikinakahiya nito ang kanyang itsura.

Nakaramdam siya ng labis na pagkahiya at kawalan ng kumpiyansa sakanyang sarili. Subalit, sa halip na umiyak at damdamin ang kanilang break-up, mas namayani sakanya ang kagustuhang baguhin ang sarili upang maibalik ang kanyang kumpiyansa.

Sa pahintulot ng kanyang ina, sumailalim ang dalaga sa ilang surgery procedures tulad ng cheek fillers, nose reshaping, lip and chain filler at marami pang iba.

Matapos ang kanyang matagumpay na pagpaparetoke, halos hindi na makilala si Tuong Vy dahil ibang-iba na ang kanyang itsura. Sa katotohanan, nag viral sa social media ang dalaga matapos niyang ibahagi ang kanyang Before and After photos.

Mensahe niya sakanyang ‘ex-boyfriend’, maraming salamat aniya dahil kung hindi sakanilang break up, hindi niya maiisip na i-improve ang kanyang pisikal na anyo hindi para sa ibang tao kundi para sakanyang sarili.### JUMEL DELA ROSA