Dahil umano sa selos, isang lalaki patay sa pananaksak sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Patay sa pananaksak ang isang lalaki sa Purok 4, Brgy. Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte bandang alas 3:00 ng hapon nitong Mayo 23, 2021

Ang biktima ay nakilalang si Roberto Balmaceda y Fajardo , 55 anyos, habang ang suspek ay nakilalang si Antonio Jurado y Tolosa, 52 anyos, kapwa residente ng Purok 4, Brgy. Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon, sa nabanggit na petsa at oras habang natutulog ang biktima sa loob ng Jose Panganiban Fishport na matatagpuan sa nabanggit na lugar, biglang dumating ang nasabing suspek habang armado ng isang kutsilyo at agad na sinaksak ng dalawang beses ang biktima sa dibdib nito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang biktima ay agad na isinugod sa Jose Panganiban Primary Hospital ngunit ideneklarang dead on arrival ng nakatalagang doktor.

Ayon sa pagsisiyasat ang ugat sa nasabing krimen ay ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa at selos.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang suspek ay naaresto ng mga rumespondeng opisyal ng barangay at agad na dinala sa himpilan ng Jose Panganiban MPS

inihahanda na sa kaslaukuyan ng tauhan ng Jose Panganiban MPS ang pagsampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.