Dahil sa inflation rate, isang tatay sa Uganda napagdesisyonang hindi na dagdagan ang kaniyang 102 na anak

Sabi nila mas marami, mas maigi, ngunit paano na lamang kung ang paggawa ng pamilya ang biglang maparami?

Isang magsasaka kasi sa Uganda na mayroon lang naman na 12 asawa, 102 na anak at 568 na apo kamakailan ang napagdesisyonan na ayaw niya na umano  dagdagan pa anag kaniyang pamilya.

Ang 64-anyos na si Musa Hasahya ay nakatira sa Uganda kung saan pinahihintulutan ditto ng batas ang tinatawag na polygamy o ang pagkakaroon ng higit sa isnag asawa.

Isang araw napadesisyonan ni Hasahya na pagamitin na ang kaniyang mga asawa ng contraceptives upang maiwasan na labis na maapektohan ang pamilya dahil sa inflation.

Agad din namang pumayag ang kaniyang mga asawa maging an pinakabata rito na may edad na 31-anyos kung saan, sinabi rin niya na ayos na rin siya umano sa 11 na anak.

Ipinagmamalaki din ni Hasahya na kaya niya umano mapangalanan ang lahat na kaniyang mga anak na hindi nalilito maliban na lamang sa mahigit 500 na kanmiyang mga apo.

Nang dahil din sa inflation na nararamdaman ng buong mundo pinaalalahanan din ni Hasahya ang kaniyang mga nakatatandang anak nan a huwag na siya umano gayahin pa at ugaliing gumamit ng contraceptives.|𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬