VIRAL kamakailan ang artista at government official na sina Aiko Melendez at JulianTrono.
Inulan ng ibat ibang komento ng social media users ang aktres, matapos ibahagi nito ang kanilang tiktok videos habang sumasayaw ng latest Tiktok dance craze, “Touch My Body” by Mariah Carey sa loob ng Quezon City Session Hall na may caption na “With Sk Federation President for QC councilor @Julian Trono fun times before session,” at sa isa pang video na may caption na
“With our majority floor leader Dorothy Delarmente and konsis @Chuckieantonio @WencyLagumbay Before session,”
Si Aiko ay isa sa mga inihalal na konsehal ng District 5 ng Quezon City habang si Julian naman ay SK Federation President for Quezon City.
Marami sa mga social media user ang nag call out sa ginawa nila Aiko at Julian,
Anila, isang malaking pambabastos ang ginawang pagsasayaw ng dalawang artista sa loob ng session hall lalo na’t sila ay pawang government official.
“Jusko ginawang playground ang session hall ni Madam,”
“Anong nagyayari sa mga politicians ngayon? Wala namang problema mag Tiktok — pero sana igalang naman yung session hall. Lugar po ‘yan para gumawa ng batas hindi po para mag tiktok. Respeto naman po sana, Councilor Aiko Melendez & SK President Julian Trono,”
Ilan lang yan mga sa komento ng iba’t ibang social media users.
Samantala ang dating COMELEC commissioner na si Atty. Rowena Guanzon ay hindi rin napigilang mag react sa viral tiktok video posted ni Aiko.
Saad nito “There must [be] a law or rules of the House of Representatives against this,”
Samantala nagdepensa naman si Aiko sa comment section sa mismong video posted nito na wala silang anumang nilabag na ruling sa ginawa nilang tiktok video. Paliwanag ng aktres “[C]learly the video was done before “session” so we did not violate any ruling po no roll call was made yet,”### JONA GALLEGO, Intern