Sylvia La Torre, pumanaw na

Pumanaw na ang Queen of Kundiman at First Lady of Philippine Television na si Sylvia La Torre.

Ayon sa post ng kanyang apo na si Anna Maria Perez de Tagle, mapayapa ang pagkamatay ng Queen of Kundiman habang ito ay natutulog kahapon sa ganap na 7:02 ng umaga.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa kanyang mga huling sandali, kasama niya ang kanyang asawa at mga apo na sina Arnie, Bernie, at Che-che.

Ayon kay Tagle, naging inspirasyon niya ang kanyang lola pagdating sa pag-awit at pag-acting.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Si Sylvia ‘di umano ang tumayong vocal coach niya at tagaturo ng kundiman.

Nagpapasalamat si Tagle sa musika at pagmamahal na ibinahagi ni Sylvia, at sinabi nitong sisigurihin niyang itutuloy ang naiwang legacy ng kanyang lola.

Pumanaw ang batikang aktres sa edad na 89. // SMM