Aprubado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang dagdag na budget para sa planong malawakang pagtatanim ng niyog at fertilization program ng coconut industry sa susunod na taon.
Nagkakahalaga ng isang bilyong piso ang inaprobahan ng Pangulo para sa massive planting habang 2.5 billion pesos naman sa fertilization program.
Ginawa ng Pangulo ang pag aproba sa ginanap na sectoral meeting sa Palasyo ng Malacañang.
Ayon kay Philippine Coconut Authority Administrator Dexter Buted, kumpyansa silang makakapag tanim ng 15.3 million coconut sa taong 2025, dahil sa dagdag budget.
Ipinunto naman ni Pangulong Marcos na malaki ang potensyal ng coconut industry kaya suportado nito ang replanting program.
Inatasan rin sila ng Pangulo na makipag ugnayan sa Cooperative Development Authority para matulungan sila sa naturang programa.