Dagdag na reklamo vs Tony Yang, pinag-aaralan na ng PAOCC

Pinag-aaralan na ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagsasampa ng dagdag na reklamo laban kay Tony Yang, ang nakatatandang kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang.

Read More:  CWC: protect children’s rights when sharing content on violent incidents

Kabilang dito ang illegal use of alias at money laundering.

Dahil ito sa mga nabulgar na koneksyon ni Yang sa mga kahina-hinalang negosyo sa Cagayan de Oro City.

Read More:  TDC: education should be prioritized over lowering age of criminal liability

Kasalukuyang nahaharap ngayon si Yang sa kasong paglabag sa Immigration laws matapos maaresto sa NAIA noong September 19.