Umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen ang pagsusuot ng crop top ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Sa Instagram ni Carlos, ibinahagi niya ang suot niyang crop top habang gumagala sa South Korea kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose.
Komento ng isa sa kanyang mga taga-suporta, “Winning the Olympics and now, breaking toxic masculinity and cultural codes of dressing up. Carlos, you’re the gold!”
Gayunman, may ilang netizen ang hindi nagustuhan ang kanyang suot.